192
92
Ang
pagbubunyi ng
mabuti o
masama
Ang sinumang ipinagbunyi ninyo na mabuti ay
magiging karapat-
dapat sa kanya ang Paraiso at ang sinumang ipinagbunyi na
masama ay
magiging karapat-dapat sa kanya ang Apoy. Kayo
1
ay
mga saksi ni Allah sa lupa.
93
Ang
pagpapahupa
sa dalamhati
ng Muslim,
ang
pagpapaginhawa
sa kanya, at
ang pagtatakip
sa kanya
Ang sinumang nagpahupa sa isang mananampalataya ng isang
dalamhati ng mga dalamhati ng Mundo ay
magpapahupa sa kanya si
Allah ng isang dalamhati mula sa mga dalamhati ng Araw ng
Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nahihirapan ay
magpapaginhawa sa kanya si Allah sa Mundo at sa Kabilang-
buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim ay magtatakip sa
kanya si Allah sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allah ay
mananatili sa pagtulong sa lingkod hangga’t ang lingkod ay
nanatili sa pagtulong ng kapatid niya...
94
Ang
pagnanasa ng
magandang
gawa at ang
pagnanasa ng
masagwang
gawa
Ang sinumang nagnasa ng magandang gawain at hindi niya ginawa
ito, itatala ito ni Allah para sa kanya sa ganang Kanya bilang isang
buong magandang gawa; ngunit kung nagnasa siya nito at ginawa
niya ito, itatala ito ni Allah para sa kanya sa ganang Kanya bilang
sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ulit
hanggang sa maraming ulit. Ang sinumang nagnasa ng masagwang
gawa at hindi niya ginawa ito, itatala ito ni Allah para sa kanya sa
ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; at kung siya
naman ay nagnasa nito at ginawa niya ito, itatala ito ni Allah para
sa kanya sa ganang Kanya bilang iisang masagwang gawa.
95
Ang pananalig
kay Allah
Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allah nang totoong pananalig
ay talagang tutustusan Niya kayo gaya ng pagtustos niya sa ibon na
umaalis na walang laman ang tiyan at bumabalik na puno ang tiyan.
96
Ang
pagpapahalaga
sa Kabilang-
buhay
Ang sinumang ang Kabilang-buhay ay nasa niya, maglalagay si
Allah sa puso niya ng yaman niya, pag-iisahin ni Allah ang kabuuan
niya, at pupuntahan siya ng mundo habang ito ay nagpapakumbaba.
97
Ang kabataan,
ang
pagkahumalin
g sa mga
masjid, at ang
pag-iibig dahil
kay Allah
May pitong [uri ng tao na] pasisilungin ni Allah sa lilim Niya sa
araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: makatarungang pinuno;
binatang lumaki sa pagsamba kay Allah; lalaking ang puso nito ay
nahuhumaling sa mga masjid; dalawang taong nagmamahalan alang-
alang kay Allah: nagkikita alang-alang sa Kanya at naghihiwalay
alang-alang sa Kanya; isang lalaking tinukso ng isang babaeng may
kalagayang mataas at kagandahan ngunit nagsabi ito: ‘Tunay na ako
ay natatakot kay Allah’; at isang taong nagkawanggawa ng isang
kawanggawa at ikinubli nito iyon nang sa gayon ay hindi malaman ng
kaliwa nito ang ginugol ng kanan nito; at taong [nang] nakaalaala
kay Allah nang nag-iisa ay nag-umapaw ang mga mata nito [sa luha].
1
Ang kayo at ninyo rito ay tumutukoy sa mga may kabutihang-loob na mananampalataya.
193
N
Salita o gawang
mainam
Ang kabayaran at gantimpala nito na nasaad sa Sunnah
ayon sa sinabi ng Propeta
(SAS)
1
Ang
pagkamapagmalaki
Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may
kasingbigat ng langgam na pagkamapagmalaki. Ang
pagkamapagmalaki ay ang pagkakaila sa katotohanan at ang
panghahamak sa mga tao.
2
Ang pagpapakita
ng kagalingan at
ang pagpaparinig
ng kagalingan
Ang sinumang nagpaparinig ng kagalingan ay magpaparinig si
Allah ng kahihiyan niya. Ang sinumang nagpapakita ng
kagalingan ay magpapakita si Allah ng kahihiyan niya.
3
Ang kahalayan
Tunay na ang pinakamasama sa mga tao sa kalagayan sa ganang
kay Allah sa Araw ng Pagbangon ay
ang iniwan ng mga tao
dahil sa pangingilag sa kahalayan niya.
4
Ang
kasinungalingan
Kapighatian sa nagsasalaysay ng salaysay upang makapagpatawa sa
pamamagitan nito sa mga tao
kaya naman nagsisinungaling siya.
Kapighatian sa kanya! Kapighatian sa kanya!
5
Ang mga
pagkakasala at
ang mga tukso
Ilalahad ang mga tukso sa mga puso gaya ng banig na tinutusok
ng isang patpat kasunod ng isang patpat. Kaya ang anumang
bahagi ng puso na nanuot [ang tuksong] ito ay nadudungisan ito
ng isang maiitim na dungis.
6
Ang paniniktik
Ang sinumang panakaw na nakikinig sa usapan ng mga tao
samantalang sila ay nasusuklam sa gayon,
bubuhusan ang
tainga niya ng lusaw na tingga sa Araw ng Pagbangon.
7
Ang paggawa
ng larawan
Tunay na ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa Araw ng
Pagkabuhay ay ang mga tagagawa ng larawan. Hindi pumapasok
ang mga anghel sa isang bahay na may aso o larawan.
8
Ang pagkakalat ng
paninirang-puri
Walang mapagkalat ng paninirang-puri na papasok sa
Paraiso.
9
Ang
panlilibak
Sinabi ng Sugo
(SAS)
: Nalalaman ba ninyo kung ano ang panlilibak? Sinabi
nila: Si Allah at ang Sugo Niya ay hinggil na nakaaalam. Sinabi niya: Ang
pagbanggit mo sa kapwa mo tungkol sa anumang kasusuklaman. May
nagsabi: Ano po naman ang tingin mo kung taglay ng kapwa ko ang
sinasabi ko? Sinabi niya: Kung taglay niya ang sinasabi mo ay nilibak mo
nga siya. Kung hindi niya taglay iyon ay nagsinungaling ka sa kanya.
10
Ang
pagsumpa
Ang pagsumpa sa mananampalataya ay gaya ng pagpatay sa kanya.
Ang mga mapagsumpa ay hindi magiging mga tagapamagitan ni mga
saksi sa Araw ng Pagbangon.
11
Ang
pagkakalat
ng lihim ng
iba
Tunay na kabilang sa pinakamasama sa mga tao sa ganang kay Allah
sa kalagayan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaki na nakikipagniig sa
maybahay niya at nakikipagniig ito sa kanya, at pagkakatapos ay
ikinakalat niya ang lihim nito.
12
Ang paglabas ng babaeng
humahalimuyak sa bango
Bawat mata ay nangangalunya. Ang babae, kapag
umaalingasngas sa bango at dumaan sa umpukan, siya ay
parang nangangalunya.
13
Ang pagpaparatang sa
isang Muslim ng
kawalang-
pananampalataya
Alinmang tao na nagsabi sa kapwa niya: Hoy Káfir, ay
naging karapat-dapat nga [sa paratang na] ito ang isa
sa kanilang dalawa kung iyon ay gaya ng sinabi niya at
kung hindi naman ay babalik ito sa kanya.
Mga Gawaing May Nasaad na
Pagbabawal sa Paggawa ng mga Ito
Dostları ilə paylaş: |