Ang Pamamaraan ng
Pagsasagawa ng Saláh
Hahawakan ng nagsasagwa ng saláh sa pamamagitan ng kanang kamay niya ang
kamay o ang pulsuhan ng kaliwa niya at ilalagay niya ang mga ito sa ilalim ng
dibdib niya samantalang ang paningin niya naman ay nakatuon sa bahaging
pagpapatirapaan niya. Pagkatapos ay bibigkasin niya ang istiftáh (panimulang
panalangin sa saláh) sa pamamagitan ng ilang mga nasaad sa sunnah gaya ng :
! "
#
subhánaka 'lláhumma wa
bihamdika wa tabáraka 'smuka wa ta‘álá jadduka wa lá iláha ghayruk
(Kaluwalhatian sa Iyo, o Alláh, at papuri sa Iyo. Mapagpala ang pangalan Mo,
kataastaasan ang kabunyian Mo at walang totoong Diyos maliban sa Iyo).
Pagkatapos ay bibigkasin niya ang isti‘ádhah (panalangin ng pagpapakupkop kay
Allah) :
$ % & $ ' () *+, a‘údhu bi'lláhi mina 'shshaytáni 'rrajím
(Nagpapakupkop ako kay Allah laban sa Demonyong isinumpa). Pagkatapos ay bibigkasin niya
ang basmalah :
$
'
bismi 'lláhi 'rrahmáni 'rrahím
(Sa ngalan ni Allah, ang
Napakamaawain, ang Pinakamaawain).
Hindi bibigkasin nang malakas ang lahat ng naunang nabanggit. Pagkatapos ay bibigkasin ang
alFátihah. Hindi kinakailangan sa ma’múm na bumigkas ng alFátihah sa mga rak‘ah na binibigkas
nang malakas, bagkus kaibig-ibig para sa kanya na bigkasin nang tahimik ang alFátihah sa sandali
ng mga pananahimik ng imám at sa mga rak‘ah na hindi bumibigkas nang malakas. Pagkatapos ay
bibigkas ng makakaya mula sa Qur’an. Lalakasan ng imám ang pagbigkas sa saláh sa subh
(madaling-araw), at sa unang dalawang rak‘ah ng saláh sa, maghrib (pagkalubog ng araw), at ‘ishá’
(gabi). Hihinaan ang pagbigkas sa sa mga rak‘ah na iba pa rito.
Puna :
Kaibig-ibig na bumigkas ng mga kabanata ng Qur’an ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga
kabanata at kinasusuklaman na baliktarin ang pagkakasunud-sunod. Ipinagbabawal ang pagbago sa
pagkakasunud-sunod ng mga salita o mga talata sa iisang kabanata ng Qur’an.
Pagkatapos ay bibigkasin niya ang takbír habang iniaangat ang mga kamay niya at
yuyukod siya. Ilalagay niya ang mga kamay niya sa mga tuhod niya na para bagang
hinahawakan niya ang mga ito, habang pinaghihiwalay niya ang mga daliri niya. Iuunat
niya ang likod niya at gagawin niya ang ulo niya na kapantay ng likod. Pagkatapos ay
tatlong ulit beses siyang bibigkas ng:
- . /0 $
subhána rabbiya 'l‘adhím
(Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila.). Sa pamamagitan ng pagyukod na ito ay naaabutan ang isang rak‘ah.
Puna:
Ang oras ng pagsambit ng takbír at pagsabi ng
1 2 $ 3' 4 sami‘a 'lláhu liman hamidah
(Dininig ni Allah ang sinumang nagpuri sa Kanya.) ay sa sandali ng pagsasagawa ng paglipat sa
kasunod na posisyon, hindi bago o matapos magsagawa. Iyon ay ginagawa sa lahat ng mga takbír ng
saláh. Kapag inantala ang takbír nang sinasadaya ay mawawalan ng saysay ang saláh.
Ang mga
saligan
1
ng saláh. Nawawalan ng saysay ang saláh sa hindi
pagkakasagawa sa mga saligang ito dala ng pananadya o pagkaligta.
Ang mga
kinakailangan
1
sa saláh. Nawawalan ng saysay ang saláh sa hindi
pagkakasagawa sa mga kinakailangang ito dala ng pananadya. Magsasagawa
naman ng sujúdu 'ssahw (patirapa para sa pagkaligta) dahil sa hindi
pagkakasagawa sa alin sa mga ito dala ng pagkakamali.
Ang mga
sunnah sa saláh. Hindi nawawalan ng saysay ang saláh sa hindi
pagkakasagawa sa mga sunnah na ito.
Kapag ninais mo na magsagawa ng saláh, ikaw ay magsasabi ng Alláhu akbar habang ikaw ay
ganap na nakatayo. Bibigkasin nang malakas ng imám (namumuno sa saláh) ang lahat ng takbír
(pagsasabi ng Alláhu akbar) upang marinig ito ng sinumang nasa likuran niya, at bibigkasin
naman ito nang tahimik ng hindi imám sa saláh.
Sa pagsisimula ng takbír, iaangat ng nagdarasal ang mga kamay niya na nakadikit ang mga daliri
hanggang sa kapantay ng mga balikat. Ang mga ma’múm (pinamumunuan sa saláh) naman ay
bibigkas ng takbír matapos na malubos ng imám ang pagbigkas ng takbír niya.
Puna :
Ang sinasasalitang bahagi ng saligan at kinakailangan sa saláh ay kinakailangang bigkasin
sa tinig na kayang maiparinig ng nagsasagawa ng saláh sa sarili niya, pati na sa saláh na binibigkas
nang tahimik. Ang pinakamababang malakas na pagbigkas ay ang maririnig ng iba at ang
pinakamababang mahinang pagbigkas ay ang maririnig ng sarili.
Pagkatapos ay iaangat niya ang ulo niya [samantalang nakaupo] habang
nagsasabi ng takbír. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang patirapa ay may
dalawang anyo:
1.
ang upong iftirásh: ihihiga ang kaliwang paa [na nakaturo ang dulo sa
gawing kanan] at uupo sa ibabaw nito habang nakatukod ang kanang paa
samantalang nakabaluktot ang mga daliri na nakaturo sa qiblah.
2.
ang upong
nakatukod ang mga paa habang ang mga daliri ng paa ay nakaturo sa qiblah,
samantalang nakaupo sa mga bukung-bukong.
[Habang nakaupo,] tatlong ulit siyang magsasabi ng
/2 25. 06 rabbi 'ghfir lí
(Panginoon ko,
patawarin Mo ako) at maaari siyang magdagdag ng
/" +/"
/" 27 /" 8 ." /".9: /" ;
/2<"* (= * /.";* wa 'rhamní wa 'jburní wa 'rfa‘ní wa 'rzuqní wa 'nsurní wa 'hdiní wa ‘áfiní
wa '‘fu ‘anní
(Kaawaan Mo ako, patnubayan Mo ako, tustusan Mo ako, pariwasain Mo ako at palusugin Mo
ako, iangat Mo ako, tustusan Mo ako, iadya Mo ako, patnubayan Mo ako, palusigin Mo ako, at
paumanhinan Mo ako.). Pagkatapos ay magpapatirapa muli gaya ng una. Pagkatapos ay iaangat
niya ang ulo niya habang nagsasabi ng takbír at babangon na nakatayo sa mga talampakan ng
mga paa at isasagawa niya ang ikalawang rak‘ah gaya ng una.
Puna :
Ang pagbigkas ng Súrah alFátihah ay kapag nakatayo na. Kaya kapag sinimulan ang
pagbigkas nito bago malubos ang pagtayo, kailangang ulitin ito matapos na malubos ang pagtayo
dahil kung hindi ay mawawalan ng saysay ang saláh.
Pagkatapos ay iaangat niya ang ulo habang nagsasabi ng
1 $ 3' 4 sami‘a 'lláhu
liman hamidah
habang inaangat niya ang mga kamay. Kapag nakatayo na siya nang
tuwid ay magsasabi siya ng:
>?@
; AB
C% C DB C
"
>?@ E
F G
>?@
H>/& $ E?I&
#
rabbaná wa laka 'lhamd hamdan kathíran tayyibam
mubárakan fíhi mil’a 'ssamáwáti wa mil’a 'l’ard, wa mil’a má shi’ta min shay’im ba‘d,
(Ang papuri ay ukol kay Allah, papuring marami, mabuti, nagpapala na makapupuno ng mga
langit, makapupuno ng lupa at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)
Puna :
Ang sandali ng pagsasabi ng
rabbaná wa laka 'lhamd
ay matapos malubos ang
pagkakatayo mula sa pagkakayukod, hindi sa sandaling umaangat mula sa pagkakayukod.
Pagkatapos ay magpapatirapa habang nagsasabi ng takbír. Habang nakapatirapa,
ilalayo niya ang mga bisig niya sa mga tagiliran niya, at ang tiyan niya sa mga
hita niya. Ilalapag niya ang mga kamay niya kapantay ng mga balikat niya at
nakatukod ang mga dulo ng mga paa, na nakaharap ang mga daliri ng mga kamay
at mga paa sa qiblah. Pagkatapos ay tatlong ulit magsasabi ng
2!*+G /20 $ 2
subhána rabbiya 'l’a‘lá
(Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas).
Puna :
Kinakailangang ang pagkakapatirapa ay batay sa pagdiit ng pitong bahagi ng katawan: ang
mga dulo ng dalawang paa, ang dalawang tuhod, ang dalawang palad, at ang noo kasama ng ilong.
Nawawalan ng saysay ang saláh sa pamamagitan ng sadyaang pagpapatirapa nang hindi nakadiit
ang ilan sa pitong bahagi na ito, maliban kung may katanggap-tanggap na dahilan.
Kapag natapos na sa dalawang rak‘ah ay uupo ng upong iftirásh para sa unang
tashahhud. Ipapatong ang kaliwang kamay sa kaliwang hita at ang kanang kamay
sa kanang hita. Ikukuyom ang hinliliit at ang palasingsingan, iipitin ng hinlalaki
ang hinlalato, at ipantuturo ang hintuturo. Bibigkasin ang Unang Tashahhud:
* !* " !* J
(B ' (K
/ "
, !* J
(E 0% (E !8
' (E
( 2
1 * A
$+, .&+, '
$+, .&+, $ 8 '
#
attahíyátu lilláhi wa
'ssalawátu wa 'ttayyibát, assalámu ‘alayka ayyuha 'nnabíyu wa rahmatu
'lláhi wa barakátuh, assalámu ‘alayná wa ‘alá ‘ibádi 'lláhi 'ssálihín, ashhadu
an lá iláha illa 'lláh, wa ashhadu anna muhammadan ‘abduhu wa rasúluh.
(Ang mga pagbati ay ukol kay Allah, at ang mga dasal at mga mabuting gawa. Ang kapayapaan
ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Allah at ang biyaya Niya. Ang kapayapaan nawa ay sa
kanya at sa mga matuwid na lingkod ni Allah. Sumasaksi ako na walang [totoong] Diyos kundi
si Allah, nag-iisa Siya, wala Siyang katambal; at sumasaksi rin ako na si Muhammad ay
Lingkod Niya at Sugo Niya.)
Pagkatapos ay tatayo, kung ang saláh ay tatluhan o apatang rak‘ah, habang nagsasabi ng takbír at
inaangat ang mga kamay. Isasagawa ang nalalabing rak‘ah nang gayon din ngunit alFátihah na
lamang ang bibigkasin at hindi ito bibigkasin nang malakas.
Pagkatapos ay uupo para sa Huling Tashahhud, kung ang saláh ay tatluhan o
apatang rak‘ah, ng upong tawarruk. Ito ay may tatlong anyo na pawang tumpak :
1.
Ihihiga ang kaliwang paa at ilalabas ito sa dakong kanan niya
sa ilalim ng
lulod niya habang
nakatukod ang kanang paa niya at ang pigi niya niya ay
nakaupo sa lapag,
2.
Ihihiga ang kaliwang paa at ilalabas ito sa dakong kanan
niya
sa ilalim ng lulod niya habang nakahiga ang kanang paa niya at ang pigi
niya ay nakaupo sa lapag,
3.
Ihihiga ang kaliwang paa at ilalabas ito sa dakong
kanan niya
sa pagitan ng lulod at hita niya at ang pigi niya ay nakaupo sa lapag.
Hindi uupo ng upong tawarruk kung hindi sa huling pag-upo ng saláh na may
dalawang tashahhud. Pagkatapos ay sasabihin ang Unang Tashahhud. Pagkatapos
ay bigkasin ang Salawát:
!
! L L
" 7 @M !* 7
!* E !8 B H
@M !* H
!* <@8
L
" 7 2 @M !*
7 2 !* E.B
B H
@M !* H
!*
L
#
Alláhumma salli ‘alá muhammadin wa ‘alá áli Muhammad, kamá sallayta ‘alá ibráhíma wa ‘alá áli
ibráhím, innaka hamídum majíd. Alláhumma bárik ‘alá muhammadin wa ‘alá áli muhammad,
kamá bárakta ‘alá ibráhím, wa ‘alá áli ibráhím, innaka hamídum majíd.
(O Allah, basbasan Mo si Muhammad at ang mag-anak ni Muhammad gaya ng pagbasbas Mo kay
Ibrahim at sa mag-anak ni Ibrahim; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati. O Allah,
pagpalain Mo si Muhammad at ang mag-anak ni Muhammad gaya ng pagpala Mo kay Ibrahim at
sa mag-anak ni Ibrahim; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati.)
Kaibig-ibig na manalangin pagkatapos niyon ng ilang panalanging nasaad sa Hadíth, gaya ng:
E
K".; N. 6 )*
" 6 )* $ ' () *+,
@ 2 O
K".;
#
A‘údhu billáhi min ‘adhábi 'nnár, wa
‘adhábi 'lqabri, wa fitnati 'lmahyá wa 'lmamáti, wa fitnati 'lmasíhi 'ddajjál.
(Nagpapakupkop ako kay Allah laban sa pagdurusa sa Apoy, sa pagdurusa sa libingan, sa tukso ng buhay at
kamatayan, at sa tukso ng Bulaang Kristo.)
Pagkatapos ay babati sa unang pagkakataon sa dakong kanan niya, na nagsasabi:
' (K
(B!* J Assalámu ‘alaykum wa rahmatu 'lláh
(Ang kapayapaan ay
sumainyo at ang awa ni Allah), at babati rin sa ikalawang pagkatataon sa dakong
kaliwa naman niya.
Kapag nakabati na ay bibigkas siya ng du‘á’ na nasaad sa Hadíth habang siya ay
nakaupo sa pinagdasalan niya.
Kapatid na Muslim :
Pinadali nawa ni Allah para sa iyo ang pagbasa sa mapakikinabangang aklat na ito.
Manatili nawa ang bunga ng pagbabasa mo, at ito ay ang paggawa ayon sa nasaad dito.
Nakabasa ka na ng ilang bahagi ng Qur’an at pagpapaliwanag nito. Kaya
magsigasig ka sa paggawa ayon sa nalaman mo na mga kahulugan nitong mga
talata ng Qur’an sapagkat tunay na ang mga Kasamahan ng Propeta
(SAS)
ay
nagpapabigkas sila mula sa Sugo ni Allah
(SAS)
ng sampung talata ng Qur’an at
hindi nila kinukuha ang ibang sampung talata ng Qur’an malibang naisagawa nila
ang nasaad doon na kaalaman at gawain. Sinabi nila: “Kaya nalaman namin ang
kaalaman at ang paggawa” na gaya nga ng pag-uudyok ng Batas ng Islam doon.
Nagsabi si Ibnu ‘Abbás
(RA)
hinggil sa sinabi ni Allah
(2:121)
:
binibigkas ito nang
totoong pagbigkas
: sinusunod nila ito ng totoong pagsunod. Nagsabi naman si
alFudayl: “Ibinaba ang Qur’an upang isagawa lamang ngunit ginawa ng mga tao
ang pagbigkas nito bilang isang gawain.”
Nakabasa ka na rin ng ilang bahagi ng Sunnah ng Propeta
(SAS)
kaya magdali-dali
ka sa pagtugon at paggawa sapagkat tunay na ang mga matuwid na Kalipunang
Islam ay walang natutunan na anuman malibang nag-uunahan sila sa pagpapatupad
nito at pag-aanyaya tungo rito, bilang pagsunod sa sinabi ng Propeta
(SAS)
:
“Kapag
nag-utos ako sa inyo ng isang utos ay isagawa ninyo ito ng makakaya ninyo at
ang anumang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo ito.”
1
at bilang pangamba sa
masakit na parusa ni Allah ayon sa sinabi Niya
(24:63)
:
“Kaya mag-ingat ang mga
sumasalungat sa utos niya na baka dapuan sila ng isang pagsubok o dapuan
sila ng isang masakit na pagdurusa.”
Kabilang sa mga halimbawa nito ay ang
sumusunod:
Ang ina ng mga Mu’min na si Umm Habíbah
(RA)
ay nagsasalaysay ng isang
Hadíth:
“Ang sinumang magdasal ng labindalawang rak‘ah sa araw at gabi ay
magpapatayo para sa kanya dahil sa mga ito ng isang bahay sa Paraiso.”
2
Sinabi ni Umm Habíbah: “Kaya hindi ko na itinigil ang mga ito magbuhat nang
narinig ko ang mga ito mula sa Sugo ni Allah
(SAS)
.”
Si Ibnu ‘Umar
(RA)
ay nagsasalaysay ng isang Hadíth:
“Hindi karapat-dapat sa
taong Muslim na may bagay na itatagubilin niya hinggil doon na magpapagabi
ng tatlong gabi kung hindi nakasulat ang tagubilin niya.”
3
Pagkatapos ay sinabi
niya: “Walang nagdaang gabi sa akin magbuhat nang narinig ko ang Sugo ni Allah
(SAS)
na nagsabi niyon na malibang taglay ko ang tagubilin ko.”
1
Isinalaysay ito nina Imám alBukhárí at Imám Muslim.
2
Isinalaysay ito ni Imám Muslim.
3
Isinalaysay ito ni Imám Muslim.
Ang kaalamang walang gawa ay pinupulaan ni Allah, ng Sugo
Niya, at ng mga Mu’min. Nagsabi si Allah
(61:2-3)
:
“O mga
sumampalataya, bakit ninyo sinasabi ang hindi ninyo
ginagawa? Malaking pagkamuhi para kay Allah na
sabihin ninyo ang hindi ninyo ginagawa.”
Nagsabi si Abú
Hurayrah
(RA)
: “
Ang paghahalintulad sa kaalamang hindi
ginagawa ay katulad ng kayamanang hindi nagugugol mula
rito ang alang-alang sa landas ni Allah.
”
Nagsabi si alFudayl, kaawaan siya ni Allah : “
Ang nakaaalam ay hindi
titigil sa pagiging mangmang sa nalaman niya malibang isagawa niya
ito.
” Nagsabi naman si Málik ibnu Dínár, kaawaan siya ni Allah :
“
Makatatagpo ka ng lalaking hindi pa nagkakamali sa pagbigkas ng isang
titik samantalang ang gawain niya ay mali lahat.
”
Ang Hinihiling
ng Kaalaman ay
ang Paggawa
Nagsabi si Imám Ahmad, kaawaan siya ni Allah: “Wala akong naisulat na hadíth malibang
naisagawa ko iyon, hanggang sa nakarating sa akin
na ang Propeta ay nagpagamot sa
pamamagitan ng hijámah
1
at nagbigay kay Abú Taybah ng isang Dínár
kaya nagbibigay
ako sa hajjám ng isang Dínár nang nagpagamot ako sa pamamagitan ng hijámah.”
Nagsabi si Imám alBukhárí, kaawaan siya ni Allah: “Hindi ako nanlibak sa isa man
magbuhat nang nalaman ko na ang panlilibak ay bawal. Tunay na ako ay umaasa na
makakatagpo ko si Allah na hindi Niya ako pananagutin na ako ay nanlibak sa isa.”
Nasaad sa Hadíth:
“Ang sinumang bumigkas ng Áyatulkursí pagkatapos ng
bawat saláh ay walang makapipigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso kundi ang
mamatay siya.”
2
Nagsabi si Imám Ibnu alQayyim, kaawaan siya ni Allah: “May
umabot sa akin tungkol kay Shaykh al’Islám na siya ay nagsabi: Hindi ko itinigil
iyon pagkatapos ng bawat saláh malibang dahil sa pagkalimot o gaya niyon.”
Pagkatapos ng kaalaman at paggawa ay kailangan ang pag-anyaya tungo sa
ibiniyaya sa iyo ni Allah at na huwag mong pagkaitan ang sarili mo ng kabayaran
at huwag pagkaitan ang iba ng kabutihan. Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
“Ang
sinumang nagturo ng isang mabuti ay magkakaroon siya ng tulad sa kabayaran
ng nagsasagwa niyon.”
3
Nagsabi pa siya
(SAS)
:
“Ang pinakamabuti sa inyo ay ang
nag-aral ng Qur’an at nagturo nito.”
4
Nagsabi pa siya
(SAS)
:
“Magparating kayo
tungkol sa akin kahit lamang na isang talata.”
5
Ayon sa dami ng pakikilahok sa
kabutihan darami at lalaki para sa iyo ang kabayaran at magpapatuloy para sa iyo
ang mga magandang gawa sa buhay at matapos ang kamatayan. Nagsabi ang
Propeta
(SAS)
:
“Kapag namatay ang tao ay napuputol buhat sa kanya ang gawain
niya maliban sa tatlo: maliban sa kawanggawang nagpapatuloy, o kaalamang
napakikinabangan, o anak na matuwid na dumadalangin para sa kanya.”
6
Pagliliwanag :
Binibigkas natin ang alFátihah nang higit sa labimpitong ulit bawat araw.
Nagpapakupkop tayo laban sa mga kinagalitan at mga naliligaw, pagkatapos ay tumutulad
tayo sa kanila sa mga gawain nila. Tinatalikdan natin ang pag-aaral at nagsasagawa tayo
ayon sa kamangmangan, kaya nakawawangis natin ang mga Kristiyanong naliligaw; o nag-
aaral tayo at hindi nagsasagawa, kaya nakawawangis natin ang mga Hudyong pinagalitan!
Hinihiling natin kay Allah na tustusan kami at ikaw ng kaalamang napakikinabangan at
gawang matuwid.
Si Allah at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Basbasan ni Allah at pangalagaan
ang pinuno natin at minamahal nating si Muhammad sampu ng mag-anak niya at
lahat ng mga Kasamahan niya.
1
Isang uri ng panggagamot na palasak noon sa mga bayang Muslim na isinasagawa sa pamamagitan
ng paggawa ng maliit na hiwa sa isang bahagi ng katawan at pinapatungan ng isang tasa upang
mapalabas ang masamang dugo. Ang nanggagamot sa pamamagitan nito ay tinatawag na hajjám.
2
asSunnan alKubrá.
3
Isinalaysay ito ni Imám Muslim.
4
Isinalaysay ito ni Imám alBukhárí.
5
Isinalaysay ito nina Imám alBukhárí at Imám Muslim.
6
Isinalaysay ito ni Imám Muslim.
Dostları ilə paylaş: |