Ang mensahe ng islam


Ang Karapatan ng Babae sa Kanyang Asawa



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə11/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14

Ang Karapatan ng Babae sa Kanyang Asawa.
Ang Qur’an ay nagsabi:
Ang mga kalalakihan ay tagapangalaga ng kababaihan sapagkat ginawa ng Allah ang isa sa kanila ng nakahihigit at sapagkat sila (lalaki) ay gumugugol (upang tangkilikin ang kababaihan) mula sa kanilang yaman…” (Qur’an 4:34)
Nang tanungin ni Aisha ang Sugo ng Allah () tungkol sa kung sino ang may higit na karapatan sa pagsunod ng babae; siya ay nagsabi:
Ang kanilang asawa”. At ng tanungin kung sino ang mas nakahihigit sa pagsunod ng lalaki, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang kanyang Ina.” (Hakeem)
Hindi siya dapat tumanggi sa kanyang asawa kapag ito ay tinawag upang makipagtalik. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Kung ang lalaki ay tumawag sa kanyang asawa upang makipagtalik at siya ay tumanggi, at siya ay nanatiling galit magdamag, isinusumpa siya (babae) ng mga anghel hanggang kinaumagahan.” (Bukhari at Muslim)
Siya ay hindi dapat humiling ng mga bagay na hindi makayanan ng kanyang asawa. Tungkulin niya na pangalagaan ang kanyang salapi, mga anak at dangal. Hindi siya dapat lumabas ng pamamahay ng walang pahintulot at hindi niya bibigyang pahintulot ang sinuman na pumasok sa pamamahay nila na hindi gusto ng kanyang asawa. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Ang pinakamabuting babae ay yaong kapag ang asawa ay sumulyap sa kanya, ito ay binibigyan niya ng kasiyahan. Sumusunod sa kanya kung may ipinag-uutos at pinananatili ang dangal at ari-arian niya sa kanyang pag-alis.”
Tinutupad ng mga sinaunang Muslim ang ganitong alituntunin. Isang Ina ang naghabilin sa kanyang anak na babae sa araw ng kasal nito:
Anak, ikaw ay lilisan sa tahanang iyong kinamulatan at kinalakihan upang sumama sa isang lalaki na hindi mo pa gaanong kilala. Sa pamamagitan ng pagpapakasal, ikaw ay nasa kanyang kapamahalaan, kaya tumulad ka na parang isang naglilingkod sa kanya, at siya ay maglilingkod din sa iyo. Gampanan mo ang sampung katangian na ito na magbibigay paala-ala sa iyo”: Maging panatag sa kanya at maging masunurin sa kanya, sapagkat ang kapanatagan at ang pagsunod sa kanya ay kasiya-siya sa Allah (U). Panatilihin ang iyong kagandahan at kaaya-ayang bango. Hindi dapat ipakita ang hindi kaaya-aya. Bantayan ang tamang oras ng kanyang pagkain at pagtulog. Ingatan ang kanyang pananalapi, Ingatan ang kanyang mga anak. Ingatan ang kanyang mga lihim at huwag sumuway sa kanyang ipinag-uutos at kapag sumuway ka sa kanya siya ay masusuklam sa iyo. Huwag magpakita ng kasiyahan kung siya ay malungkot at huwag magpakita ng kalungkutan kung siya ay masaya. Igalang mo siya at makipag-ayon sa lahat ng bagay upang masiyahan sa pakikisama at pakikiugnayan sa kanya. Dapat mong malaman anak, na hindi mo matatamo ang nais mo hanggang inuuna mo ang iyong kasiyahan at ang iyong naisin kaysa sa kanya.

Ang mga Tungkulin ng Lalaki sa Kanyang Asawa:
1. Ang Handog (Dowry – Mahr):
Karapatan ng isang babae ang tumanggap ng isang handog o Mahr at ito ay kailangang nakasaad sa kasulatan ng isang kasal. Ito ay mahalagang bahagi sa kasulatan ng kasal at hindi maaaring tanggihan o ipamigay ng babae hangga’t hindi pa ganap at tapos ang kasalan. Ang Qur’an ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
At ibigay sa mga babae (na iyong pakakasalan) ang handog (Mahr) na kanyang bahagi at karapatan; subali’t kung kanyang nais na kayo ay bahaginan, tanggapin ito at malayang gamitin ito ng walang alinlangan.”

(Qur’an 4:4).


2. Makatarungan at Walang Kinikilingan:
Kung ang isang lalaki ay may asawa na higit sa isa, nararapat lamang na siya ay maging pantay sa pakikitungo sa bawat isa sa lahat ng bagay katulad ng pagkain, inumin, pananamit, bahay at maging ang pamamalagi niya dito. Ito ay ayon na rin sa sinabi ng Propeta ng Allah () na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa nguni’t hindi niya ito pinakitunguhan ng pantay, siya ay darating sa Araw ng Paghuhukom na nakatabingi ang isang bahagi ng kanyang katawan.” (Tirmidhi).
3. Paggugol para sa Kanyang Asawa at mga Anak:
Ang lalaki ay nararapat na maglaan ng maayos na tirahan, mga pangangailangan sa buhay (katulad ng pagkain, inumin, pananamit), at maging salapi na naaayon sa kanyang kakayahan. Ang Qur’an ay nagsabi, na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Hayaan ang isang mayaman na gumugol ayon sa kanyang yaman; at ang isang mahirap na gumugol ng ayon sa anumang ipinagkaloob ng Allah sa kanya. Ang Allah ay hindi nagbibigay ng pasanin sa sinuman nang higit sa kanyang makakayanan…” (Qur’an 65:7)
4. Pagsiping at Pakikipagniig sa Gabi:
Ito ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang lalaki sa kanyang asawa. Ang babae bilang asawa ay naghahanap din ng pagmamahal mula sa isang asawa na kakalinga, maglalambing at pupuno ng kanyang pagnanasa at pangangailangang pisikal upang mailayo siya sa hindi kanais-nais na kalagayan.
5. Itago Ang mga Lihim ng Asawa:
Tungkulin ng lalaki na pangalagaan ang kanilang pagsasama, at iwasan na ihayag ang mga tagong lihim ng asawa, kanyang mga pagkukulang at ano pa mang bagay na kanyang napansin o di kaya ay narinig mula dito. Ayon sa Propeta ng Allah ();
Ang pinakamasahol na tao sa paningin ng Allah, sa Araw ng Paghuhukom, ay ang isang lalaki o babae na pagkaraang makipagtalik sa kanyang asawa ay lumabas at ipinagsabi ang kanyang lihim.” (Muslim)
6. Mabuting Pakikitungo
Nararapat na pakitunguhan ng lalaki ang kanyang asawa ng may paggalang. Maging mapagbigay at mahinahon sa kanyang mga pagkukulang at pagkakamali at paminsan-minsang pagdadabog. Bukod dito, nararapat din na isangguni at dinggin ang kanyang panig tungkol sa mga bagay na nangyayari sa araw-araw. Bigyan siya ng sapat at tamang panahon upang makapagsaya at aliwin siya sa pamamagitan ng pakikipaglaro dito.
Iwasan na siya ay manibugho
Ilayo ang asawa sa mga lugar ng kasamaan at kasiraan. Dahil dito, Ang Allah (U) ay nag-utos sa atin ng Kanyang sabihin na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
O kayong mga nananampalataya! Ingatan ang inyong mga sarili at ang inyong mga pamilya (mahal sa buhay) laban sa Apoy (impiyerno) na ang panggatong ay tao at mga bato…” (Qur’an 66:6)
Igalang ang Kanyang Salapi at Ari-arian:
Hindi dapat angkinin ng lalaki ang anumang bagay na pag-aari ng kanyang asawa o di kaya ay ipagbili o ipamigay ito maliban na lamang kung siya ay bigyan ng pahintulot na gawin ito.

Karapatan ng mga Kamag-anak
Mahigpit na itinatagubilin ng Islam sa mga tao na tulungan ang kanilang mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagpuno ng kanilang mga pangangailangan, alamin ang kanilang mga kalagayan, at pakitunguhan sila ng may paggalang at habag at makibahagi sa kanilang kaligayahan at maging sa kalungkutan. Ang Qur’an ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
“…at matakot kayo sa Allah na Siya ninyong hinihingan (ng inyong pangangailangan), at huwag putulin ang ugnayan ng pang-kamag-anakan…” (Qur’an 4:1)
Mahigpit ding itinatagubilin ng Islam ang mabuting pakikitungo sa isang malapit na kamag-anak kahit na hindi mabuti ang pakikitungo nito sa kanila, patawarin kung sila ay nagkasala at maging isang kaibigan sa kanila kahit na hindi sila ganoon. Ang Propeta Muhammad () ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Ang pagiging mabuti sa inyong malapit na kamag-anak sa tunay na kahulugan nito, ay hindi sapat na sila ay pantayan sa kabaitan, bagkus maging mabait pa rin sa kanila bagamat kanilang pinutol ang ugnayan nila sa inyo.” (Bukhari)
Ang Islam ay nagbabala laban sa pagputol ng ugnayan sa mga kamag-anak at ito ay itinuturing na isa sa mga mabigat na kasalanan. At sa Qur’an ay sinabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Kung sa iyo ba ay ipagkaloob ang kapamahalaan, magkagayon hindi mo kaya magawa na maghasik ng kasamaan sa kalupaan at putulin ang iyong ugnayang pangkamag-anakan?” (Qur’an 47:22)


Karapatan ng mga Anak
Karapatan ng mga anak na pangalagaan ang kanilang mga buhay at magkaroon sila ng kaaya-aya at magandang pangalan. Ito ay nilinaw ng Propeta () ng kanyang sinabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Ikaw ay tatawagin sa iyong pangalan at sa ngalan ng iyong ama, kaya mamili kayo ng magagandang pangalan.” (Imam Ahmed)
Dapat lamang na atin silang alagaan, ibigay ang kanilang pangangailangan (katulad ng pagkain, inumin, pananamit at matitirahan). Bigyan sila ng mainam na edukasyon at turuan sila ng mabubuting asal (katulad ng pagpapakumbaba, paggalang sa mga nakakatanda, maging tapat sa lahat ng bagay, at masunurin sa mga magulang at iba pa). Ilayo sila sa mga masasamang salita at gawain (kagaya ng pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, pagsuway sa mga magulang at iba pa). Ang Propeta () ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Sapat na sa isang tao ang maging makasalanan sa pamamagitan ng pagsadlak sa kasamaan ng sinumang kanyang itinataguyod.” (Abu Dawood at Nasa’ee)
At sinabi rin ng Propeta ();
Ang bawat isa sa inyo ay tagapagbantay at tagapangasiwa (ng kanyang kinasasakupan) at siya ang mananagot sa mga ginagawa ng mga taong kanyang sakop.” (Bukhari at Muslim)
Ang mga anak ay dapat na pakitunguhan ng pantay-pantay at walang dapat itangi lalo na sa bigayan ng gamit gaya ng laruan at iba pa sapagka’t ito ay maka-pagdudulot ng sama ng loob. Minsan isang lalaki ang lumapit sa Propeta () upang gawin siyang saksi sa isang regalo na nais niyang ibigay sa isa niyang anak. Tinanong siya ng Propeta (), “Inihanda mo na rin ba ang mga regalong katulad nito para sa iba mo pang mga anak?” At siya ay sumagot na; “Hindi”. Nang marinig ng Propeta ay agad niyang sinabi, “Kung ganoon ay kumuha ka ng ibang saksi sapagka’t hindi ko ibig na maging saksi sa isang di-makatarungang gawain. Matakot ka sa Allah at maging pantay ka sa pakikitungo sa iyong mga anak.” (Bukhari at Muslim)
Karapatan ng Kapitbahay
Itinataguyod ng Islam ang mabuting pakikitungo sa mga kapitbahay at iwasan ang anumang bagay na makapagdudulot ng hindi mabuti sa kanila katulad halimbawa ng pagtataas ng tinig dito, pagkasuklam sa mga di-kaaya-ayang bagay na nakikita o dili kaya ang mga hindi kanais-nais na amoy. Ang Allah (U) ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa Kanya. Maging magalang kayo sa iyong mga magulang, kamag-anak, at mga ulila, mga nangangailangan, at maging sa iyong mga kapitbahay na iyong kaanak at mga hindi kaano-ano, at ganoon din sa mga naglalakbay at napadpad sa iyong lugar, at maging sa mga alipin na iyong pinamamahalaan. Katotohanan! Hindi mahal ng Allah ang mga mapagmataas at mayabang.” (Qur’an 4:36)
Ayon naman sa sinabi ng Propeta ng Allah () na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
Alam ba ninyo ang mga karapatan ng inyong kapitbahay? Kung siya ay humingi ng tulong, kailangang tulungan siya, kung siya ay nakaratay sa karamdaman, dalawin siya, kung may nangyaring maganda sa kanya, batiin siya, kung may masamang nangyari sa kanya, kalamayin ang kanyang kalooban; at kung siya ay namatay, makipaglibing. Huwag taasan ang iyong bakuran na halos ay harangan ang dadaanan ng hangin patungo sa kanila maliban na lamang kung siya ay may pahintulot. Hindi siya dapat inggitin sa amoy ng iyong pagkaing niluluto maliban na lamang kung siya ay bibigyan nito. At kung bumili ng mga pagkain, bigyan siya bilang regalo, nguni’t kung hindi ito magawa, dalhin ang pagkain sa iyong tahanan ng hindi nila nakikita at huwag payagan ang mga anak na kumain nito sa labas upang hindi mainggit ang iba pang mga bata na anak din ng iyong kapitbahay.” (Al-Khara’iti)
Dapat na pagtiisan ng isang Muslim ang mga suliranin na idinudulot ng kanyang kapitbahay at lalong maging mabuti dito. Isang tao ang lumapit kay Abdullah Ibn Abbas () at nagsabi:
Isang kapitbahay ko ang nagdudulot ng malaking problema sa akin. Ako ay kanyang iniinsulto at inilalagay ako sa isang kahihiyan.’ At si Ibn Abbas ay sumagot: ‘Kung sumuway siya sa Allah (sa pamamagitan ng pag-alipusta sa iyo), Sumunod ka sa Allah (sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan sa kanya).” (Imam Ghazali, Ihyaa Ulum-ud-Din, Vol. 2, p.212)
Kailangang igalang niya ang kanyang kapitbahay sakali’t ito ay maglagay ng tabing sa kanyang gusali at ito ay hindi niya dapat pagbawalan ayon sa sinabi ng Propeta () na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito:
Huwag pigilan ang isang kapitbahay kung sakali’t ito ay maglagay ng tabing sa kanyang gusali.” (Bukhari at Muslim)
Hindi niya dapat ipagbili o ipaupa man lamang ang isang ari-arian na katabi ng kanyang kapitbahay hangga’t hindi niya ito inalok sa kanya o di kaya ay alamin ang kanyang opinyon sa ganitong pagkakataon. Ito ay naaayon sa sinabi ng Propeta () na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito:
Kung ang isa sa inyo ay may kapitbahay o katuwang sa isang sakahan o lupain, huwag itong ipagbili sa iba hangga’t hindi ito iniaalok dito (sa katuwang) na siya na ang bumili.” (Hakeem)
Mayroon Tatlong Uri ng Kapitbahay:


  • Ang kapitbahay na iyong kamag-anak. Siya ay may tatlong karapatan; Bilang kamag-anak, kapitbahay at bilang isang Muslim.




  • Ang kapitbahay na isang Muslim: Siya ay may dalawang karapatan; Bilang kapitbahay at bilang isang Muslim.




  • Ang isang kapitbahay na hindi Muslim: Siya ay may isang karapatan; Bilang isang kapitbahay.

Si Abdullah Ibn Umar () ay nagpakatay ng isang tupa at siya ay tinanong ng kanyang kamag-anak: Binigyan mo ba ang ating Hudyong kapitbahay? Narinig ko ang sabi ng Propeta () na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito:


Ang Anghel Gabriel ay palaging nagbabanggit at nagpapaalala sa akin tungkol (sa tungkulin ko sa aking kapitbahay) at dahil sa madalas niya itong gawin, akin tuloy naisip na marahil ay kabilang ito sa aking mga tagapagmana.” (Tirmidhi at Abu Dawood)

Ang Karapatan ng Kaibigan at mga Kasama
Isinaalang-alang ng labis sa Islam ang mga karapatan ng isang kaibigan at ito ay nagtakda ng mga alituntunin na dapat gampanan para sa isang kaibigan. Katulad halimbawa ng mabuting pakikitungo dito at ang tapat na pagpapayo dito. Ang Propeta () ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito:
Ang pinakamabuti na kaibigan sa paningin ng Allah ay siya na naghahatid ng kabutihan sa kanyang mga kasama, at ang pinakamabuti na kapitbahay ay siya na mabuting makitungo sa kanyang mga kapitbahay.” (Tirmidhi)
Ang Karapatan ng mga Panauhin
Ang panauhin ay nararapat na bigyan ng kasiyahan. Ito ay ayon sa Hadith ng Propeta () na ang ibig sabihin ay:
Ang sinumang naniniwala sa Allah at sa Araw ng Paghuhukom ay kailangan pahalagahan ang kanyang panauhin.” Siya ay tinanong: “ O Sugo ng Allah ()! Ano ang karapatang ng mga panauhin?” At siya ay sumagot: “Isang araw at isang gabi (ng kasiyahan) at tatlong araw na pag-aasikaso dito. At ito ay maituturing na isang kawanggawa kung lumabis pa dito.” (Bukhari at Muslim)
Datapuwa’t, dapat ding isaalang-alang ng isang panauhin ang kalagayan ng kanyang tinutuluyan, at hindi siya dapat umasa at humiling ng mga bagay na hindi nito kayang ibigay sa kanya.
Ang sabi ng Propeta () na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito:
Makatarungan ba sa isang Muslim na makituloy ng matagal sa kanyang kapwa Muslim (bilang isang panauhin) hangga’t sa ito ay magtulak sa kanya na gumawa ng kasalanan?” Siya ay tinanong kung paano ito magtutulak sa kanya na gumawa ng kasalanan? At ang sabi niya: “Sa pamamagitan ng matagal niyang panunuluyan dito kahit na ito ay wala ng maibigay pa para sa kanyang ikasisiya.” (Muslim)
Ayon sa sinulat ni Imam Ghazali, “Ihyaa Ulum-ud-Din” (hal. Revival of Religious Sciences), tungkol kay Propeta Muhammad () na isang huwaran at dapat tularan ng lahat ng Muslim:
Pinahalagahan ng Propeta ang kanyang mga bisita. Kanyang inilalatag ang kanyang damit para sa isang (kahit hindi) kamag-anak na panauhin upang mayroon silang maupuan. Inaalay din niya ang kanyang sariling upuan at ito ay kanyang ipinagpipilitan hanggang ito ay tanggapin mula sa kanya. Walang sinumang naging bisita niya ang hindi nagdalawang isip na tawagin siya na pinaka-mapagbigay sa lahat ng tao. Binibigyan niya ng sapat at pantay na pansin ang lahat ng kanyang kasama at bawa’t isa ay kanyang pinakikinggan, kinakausap, at binibigyang halaga. Ang kanyang pagtitipon ay maituturing na may pagpapakumbaba at pagkamatapat. Tinatawag niya ang kanyang mga kasama sa kanilang paboritong pangalan at palayaw upang pahalagahan sila. Siya rin ay hindi magagalitin at madali siyang masiyahan sa anumang mayroon siya.”

Pangkalahatang Karapatan at Tungkulin
Itinatagubilin ng Islam na ang lahat ng Muslim ay dapat pangalagaan ang kanyang kapwa Muslim sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila at pilitin na mapabuti ang kanilang kalagayan. Ayon sa Hadith na ang kahulugan ay nagsasabi ng ganito:
Ang kahalintulad ng mga mananampalataya sa kanilang tapat na pagmamahalan, kabaitan at pagiging maawain, ay katulad din ng katawan ng tao: Kung ang isang bahagi ng katawan ay may karamdaman, ito rin ay nararamdaman ng buong katawan tulad ng lagnat at di pagtulog.” (Bukhari at Muslim).
Ang isa pang nakasulat sa Hadith ay;
Ang pagkakaisa ng dalawang kapwa mananampalataya ay katulad ng isang bahay, ang isang bahagi ang tumutulong lumakas at inaalalayan ang kabilang bahagi.” (Pinagtiklop niya ang mga daliri ng kanyang mga kamay, upang ilarawan ang tinutukoy niyang paksa). (Bukhari at Muslim)
Ang isa pang sinasabi ng Hadith ay:
Walang isa man sa inyo ang matatawag na ganap na mananampalataya hanggang ninanais niya para sa kanyang kapatid ang nais niya sa kanyang sarili.” (Bukhari)
Sa sangay ng manggagawa, halimbawa, ang Islam ay nag-uutos ng mga alituntunin at batayan upang malaman ang tunay na ugnayan ng namumuno at manggagawa.


Karapatan ng Manggagawa
Ang ugnayan ng mga manggagawa at ng pinaglilingkuran nito ay dapat batay sa pagkakapatiran, makatao at marangal. Ayon kay Propeta Muhammad ():
Ang inyong mga alipin (o katulong) ay inyong mga kapatid na ipinagkatiwala ng Allah sa ilalim ng inyong kapamahalaan. Kaya, ang sinumang mayroong kapatid na nasa ilalim ng kanyang kapamahalaan ay dapat niya itong pakainin mula sa mismong pagkaing kinakain niya at dapat niyang bihisan ito katulad ng kanyang pananamit na isinusuot, hindi niya dapat bigyan ng gawaing higit sa makakayanan nito at kung ang gawain ay higit sa kanyang kakayahan, dapat niya itong tulungan.” (Bukhari)
Ang Islam ay naglaan para sa mga manggagawa ng kanyang karangalan at dangal. Ayon kay Propeta Muhammad ():
Ang pinakamagandang hanapbuhay ng isang manggagawa ay ang paggawa ng tapat.” (Ahmad)
Ipinag-uutos na ang sahod ng isang manggagawa ay dapat malinaw bago siya magsimula sa gawain, sapagkat ang Propeta ay nag-utos na kailangang ipagbigay alam ng pinaglilingkuran ang sahod ng manggagawa bago ito magsimula.” (Ahmad)
Ito ang nagpapatunay sa karapatan ng isang manggagawa sa kanyang sahod. Ang Allah (U) ay nagsabi:
Mayroong tatlong tao na kinamumuhian Ko sa Araw ng Paghuhukom: 1) Ang isang taong nangangako sa Aking pangalan nguni't ito ay hindi tinupad. 2) Ang isang taong ipinagbili ang isang malayang tao bilang alipin at kinuha ang pinagbilhan. 3) At ang isang taong kumuha ng manggagawa nguni't hindi ito pinasahod.” (Bukhari)
Ipinag-utos na dapat bayaran ang manggagawa ng kanyang sahod pagkaraang matapos ang gawain nito. Ang sabi ng Sugo ng Allah ()
Bayaran ang isang manggagawa ng kanyang sahod bago matuyo ang kanyang pawis.”
Kinakailangan din na hindi dapat bigyan ang isang manggagawa ng gawaing hindi niya makakayanan. Kung sakali man na bigyan siya ng gawaing higit sa kanyang kakayahan, dapat siyang tulungan sa gawaing ito at dapat ding bigyan ng karagdagang sahod. Ang sabi ng Propeta ():
Huwag silang bigyan ng gawaing higit sa kanilang kakayahan at kung sakali mang ipagawa ang ganitong gawain, sila ay dapat tulungan.” (Bukhari)

Ang Karapatan ng Pinaglilingkuran
At dahil ipinag-utos ng Islam sa pinaglilingkuran (employer) ang pangangalaga sa mga manggagawa, ipinag-uutos din naman sa mga manggagawa na tuparin ang karapatan ng kanilang pinaglilingkuran sa pamamagitan ng paggawa sa paraang maayos at kasiya-siya. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Ikinasisiya ng Allah na kung ang isang bagay ay ginagawa, ito ay nararapat gawin sa abot ng makakaya at sa paraang maayos.”
Ito ay nangangahulugan na ang isang Muslim na pinagkatiwalaan na gawin ang isang bagay ay dapat gawin ito ng maayos sapagkat ito ay isang paraan upang matamo ang kasiyahan ng kanyang Dakilang Panginoon.


Ang Aspetong Moral ng Islam
Ginawang ganap ng Islam ang kagandahang asal at itinaas ang mga ito sa pinakamataas na pamantayan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Ako ay isinugo upang gawing ganap at buuin ang pag-uugali at kagandahang asal." (Hakim)
Ipinag-uutos ng Islam ang bawat mabubuting ugali at ipinagbabawal at binigyang babala ang bawat kasamaan at malaswang ugali.
Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi batay sa Qur’an:
Magbigay ng kapatawaran at mag-anyaya sa kabutihan (kabaitan) at lumayo sa mga mapaggawa ng kasamaan.” (Qur’an 7:199)
Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:
"Alam ba ninyo kung sino ang nalugi? Sila (ang kanyang kasamahan ay nagtanong; "Ang nalugi sa amin ay yaong nawalan ng salapi o yaman." Ang Propeta ay nagsabi: "Ang nalugi sa aking pamayanan ay yaong dumating sa Araw ng Paghuhukom na dala ang (gantimpala ng) kanyang mga pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, siya ay dumating na kasama ang mga ito nguni't sa kanyang nagdaang buhay, isinumpa niya ang isang tao at pinaratang nang may kamalian ang isa, pumatay siya ng isang tao at sinaktan ang isa pa. Kaya, ang gantimpala niya ay ipinagkaloob sa mga taong iyon at maging ang iba pa. Kapag ang gantimpala para sa kanyang mabubuting gawa ay ipamamahagi bago bayaran ang kanyang mga kasalanan, ang kanilang mga kasalanan ay kukuhanin at itatapon sa kanya at siya ay ihahagis sa Impiyerno. " (Muslim)

Maraming salaysay tungkol sa tamang pag-aasal o pag-uugali na kapupulutan ng aral ang matatagpuan sa Qur’an at maging sa mga Hadith ng Sugo ng Allah (). Ang mga paksa ay tumatalakay tungkol sa katapatan, kabaitan, pangkawanggawa, pakikipagtulungan, kahinahunan at kababaang loob. At mayroon ding mga salaysay tungkol sa masasamang pag-uugali na nagiging sanhi upang ang tao ay maligaw ng landas at umani ng poot mula sa kanyang Panginoon.


Ang deen ng Islam ay inilalarawan sa paraan na dapat isabuhay ng isang Muslim sa kapwa tao at sa kanyang lipunan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Iwasan ang mga ipinagbawal at kayo ay magiging pinakamahusay na mananampalataya, masiyahan sa biyayang ipinagkaloob ng Allah sa iyo at ikaw ang magiging pinakamayaman sa lahat ng tao, maging mabuti sa iyong kapitbahay at ikaw ay magiging tunay mananampalataya, mahalin mo para sa iba ang anumang mahal mo para sa iyong sarili at ikaw ay magiging tunay namananampalataya. At huwag labis na tumawa sapagkat ang pagtawa nang labis ay nagiging sanhi ng kamatayan ng puso" (Tirmidhi)
"Ang isang tunay namananampalataya ay yaong ang kapwa Muslim ay ligtas mula sa kanyang dila at sa kanyang mga kamay, at ang tunay na Muhajir ay siyang lumisan (o ganap na tinalikdan) ang anumang ipinagbabawal ng Allah." (Bukhari)
Ang Islam ay naglalayong magtatag ng isang maayos na lipunan na nagpapakita ng pagmamahalan at habag sa isa't isa. Ito ay naisasakatuparan lamang kapag ginagampanan ang mga kautusan nito at iniiwasan ang mga ipinagbabawal. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga gawaing ipinagbabawal ay ang mga sumusunod:
1. Ipinagbabawal ng Islam ang pagsamba sa iba’t ibang diyus-diyusan. Ang Qur’an ay nagsabi:
Alalahanin! hindi pinatatawad ng Allah ang pagbibigay katambal sa Kanya (sa pagsamba). Nguni't (maliban dito) pinatatawad Niyang lahat ang sinumang Kanyang naisin…” (Qur’an 4:116)
2. Ipinagbabawal din ng Islam ang Karunungang Itim (Magic). Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Iwasan ang pitong mapanganib na bagay.” Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah () ay nagtanong: ‘O, Sugo ng Allah, alin ang mga bagay na ito?’ Siya ay sumagot: “Ang pagsamba sa iba bukod sa Allah, ang pagsasanay ng karunungang itim, ang pagpatay ng walang katarungan, ang pagpapatubo (interest), ang paglustay ng kayamanan ng mga ulila, ang pagtalikod mula sa mga kaaway ng Islam sa panahon ng digmaan. At ang paninirang puri sa mga malilinis at inosenteng babaing Muslim.” (Bukhari at Muslim)
3. Ipinagbabawal din ng Islam ang kawalang katarungan at pang-aapi sa pamamagitan ng pananalita o gawa at ipagkait ang karapatang nauukol sa iba. Ang Qur’an ay nagsabi:
Ang daan (ng panunumbat) ay sa kanya lamang na nang-aapi sa mga tao at maling paghihimagsik sa kalupaan, at sa kanya ay isang mahapding kaparusahan.” (Qur’an 42:42)
Ang Qur’an ay nagsabi rin ng ganito:
Ipahayag: Ipinagbabawal (higit) ng aking Panginoon ang mga makasalanang gawain, (lahat ng bawal na pakikipagtalik, ang kalaswaan, maging ito ay nalalantad o nakatago) ang di-makatarungang pang-aapi, pang-aabuso...” (Qur’an 7:33)
Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Ipinahayag sa akin ng Allah, ang Kataas-taasan, na kayo ay nararapat na maging mapagpakumbaba upang walang sinuman ang abusuhin o apihin, o itaas ang sarili kaysa sa iba pa.” (Muslim)
Sa isa pang Hadith ng Sugo ng Allah ():
Ipinag-uutos ng Allah: O aking alipin, ipinagbawal Ko sa Aking sarili ang pang-aapi (pang-aabuso), at ito ay Aking ipinagbabawal sa inyo. Kaya huwag gumawa ng kasamaan sa iba.” (Muslim)
Ito ay hindi naman nangangahulugan na maging matiisin na lamang sa pang-aapi o pang-aabuso ng ibang tao sapagkat ang Islam ay nagbabawal ng mga gawaing di makatarungan. Ang Qur’an ay nagsabi:
“…At sinumang nagtaboy sa inyo, itaboy rin sila sa paraan ng pagtaboy sa inyo…” (Qur’an 2:194)
Itinuturo rin ng Islam na dapat tulungan ang mga biktima ng pang-aapi at di makatarungang pang-aabuso maging siya man ay Muslim o kaanib ng ibang relihiyon. Ang Qur’an ay nagsabi:
At kung ang isa sa mga ‘Mushrik’ (nang-iidolo, pagano at hindi naniniwala sa Kaisahan ng Allah) ay humingi ng pangangalaga, pangalagaan siya upang kanyang marinig ang mga salita ng Allah at pagkaraan nito, dalhin siya sa kanyang sariling pook ng kaligtasan.” (Qur’an 9:6)
Sapagkat ang Islam ay hindi nagpapahintulot na ipagkait sa sinumang tao ang karapatan at kalayaan nito o ang kanilang damdamin ay hindi dapat saktan kahit sila ay di Muslim.
Ang Islam ay nag-aanyaya rin sa mga nang-aabuso o nang-aapi at sa mga naaapi o inaabuso ng ganitong aral:
Tulungan ang inyong kapatid maging siya ay nang-aapi o naaapi.” Isang kasamahan ng Sugo ng Allah ang nagtanong: ‘O, Sugo ng Allah (tunay na totoo) aking tutulungan ang kapatid kung siya ay inaapi, nguni't sabihin mo sa akin kung paano ko tutulungan kung nagkataong siya ay mapang-api?’ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Pigilin mo siya sa pang-aapi ng kapwa sapagkat ang pagpigil sa kanya mula sa paggawa ng pang-aapi ay tulong para sa kanya.” (Bukhari)
Ipinagbabawal din ng Islam ang pagkitil ng buhay maliban sa makatarungang dahilan. Ang Qur’an ay nagsabi:
Sinuman ang kumitil sa isang mananampalataya na may sadyang layon, ang kanyang gantimpala ay Impiyerno magpakailanman. At ang galit at sumpa ng Allah ay mapasakanya, at inihanda sa kanya ang matindi at malaking parusa.” (Qur’an 4:93)
Sa ganoong dahilan, Aming ipinag-utos sa angkan ng Israel na sinuman ang pumatay ng tao maliban sa kasamaan o katiwalian sa mundo, para na ring pinatay ang lahat ng sangkatauhan. At sinuman ang nagligtas ng buhay ng isang tao, para na ring iniligtas niya ang buhay ng sangkatauhan…” (Qur’an 5:32)
Ang sabi ng Propeta ng Allah ():
Ang isang Muslim ay nananatiling nagtatamasa ng kaligtasan at pangangalaga ng kanyang pananampalataya hanggang hindi nakagagawa ng di-makatarungang pagpatay.” (Bukhari)
Ang ligtas sa ganitong babala, ay yaong pumatay at napatay ng dahil sa pagtatanggol sa kanyang sarili, sa kanyang ari-arian, at dangal o inaping tao na humingi ng tulong sa kanya. Karagdagan nito, wala itong pagkakaiba kung ang pinatay ay Muslim o di-Muslim na may karapatan sa pangangalaga ng pamahalaang Muslim. Ang sabi ng Propeta ng Allah ():
Ang sinumang pumatay ng tao na may kasunduan (treaty) sa mga di-Muslim, ay hindi niya malalanghap ang amoy ng Paraiso; ang amoy nito ay malalanghap mula sa layong 40 taon (paglalakbay).” (Bukhari)
4. Ipinagbabawal rin ng Islam ang paghihiwalay ng magpapamilya at pagtalikod o pagtakwil sa kamag-anak. Ang sabi ng Dakilang Allah (U):
Kung sa inyo ba ay ipagkaloob ang kapamahalaan, magkagayon hindi ninyo kaya magawa na maghasik ng kasamaan sa kalupaan at putulin ang inyong ugnayang pagkamag-anakan? Isinumpa ng Allah ang mga ganitong pangyayari, kaya ginawa silang mga bingi at bulag ang kanilang mga mata.” (Qur’an 47:22-23)
Ang sabi ng Sugo ng Allah ():
Walang sinuman na tumalikod o pumutol sa ugnayang pangkamag-anakan ang makapapasok sa Paraiso.” (Bukhari at Muslim)
Ang pagtakwil o pagtalikod sa ganitong ugnayan ay nagpapahiwatig ng di pagbibigay pansin sa pakikitungo na may bahid pagmamataas, hindi paglingap sa mga kamag-anakan na mahihirap o maysakit. Sa pagkamag-anakan, ang kawanggawa at magandang pakikipag-ugnayan ay isang tungkulin na dapat tuparin ng sinumang Muslim. Kung ang isang tao ay mahirap lamang, ang pananatili ng ugnayan ay magagampanan sa pamamagitan ng masayang pagbati, paggalang at pagdalaw sa kanila upang alamin ang kanilang mga kalagayan. Ang sabi ng Propeta ():
Panatilihin ang (magandang) ugnayang pangkamag-anakan sa pamamagitan ng pagbati ng “Salaam”.
Ipinagbabawal ng Islam ang pagsuway at masamang pag-uugali sa mga magulang. Ang sabi ng Qur’an:
At ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya (Allah) At maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila nasa katandaan huwag silang pagsalitaan ng kawalang galang at huwag silang sigawan subalit' ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang magalang (may pitagan). At iyong ibaba para sa kanila ang diwa ng kapitagan at kababaang-loob sa pamamagitan ng Habag, at magsabi: "O Aking Rabb (Panginoon)! Igawad Ninyo sa kanila ang Inyong Habag sapagkat sila ang nangalaga sa akin nang ako ay musmos pa." (Qur’an 17:23-24)
Ang sabi ng Propeta Muhammad ():
Ang Kasiyahan ng Allah ay batay sa kasiyahan ng magulang (sa kanyang anak) at ang Kanyang galit ay batay rin sa galit ng magulang.” (Tirmidhi)
Nang itanong kung ano ang ibig sabihin ng pagsuway sa magulang, ang sabi ni Ka’ab Al-Ahbar ():
Ang ibig sabihin nito ay kung ang isang magulang ay umaasa sa pangako nguni't hindi tinutupad ang pangako; kung siya ay inuutusan ay hindi sumusunod; kung mayroong hinihingi ay hindi ito ibinibigay; at kung siya ay pinagkakatiwalaan ito ay nagtataksil (hindi matapat).”
5. Ipinagbabawal ng Islam ang pangangalunya at ang lahat ng bagay at gawain na magbibigay daan tungo sa pangangalunya at pakikipag-apid. Ang sabi ng Qu’raan:
At huwag lalapit sa ipinagbabawal na pakikipagtalik, ito ay karumal-dumal at daan ng kasamaan.” (Qur’an 17:32)
Ang sabi ng Propeta ():

Walang mabigat na kasalanang kasunod ng pagsamba bukod sa Allah maliban sa isang taong nakiapid.” (Ahmad)


Nakasaad dito ang kaparusahan sa pakikiapid:
Sa babae at sa lalaking nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin ng isang daang latay. Huwag awa ang mangibabaw sa kanilang pagkakasala sa parusang itinakda ng Allah, kung tunay nga na kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Hayaang ang pangkat ng naniniwala ay saksihan ang kanilang kaparusahan.” (Qur’an 24:2)
Ang parusang ito ay para sa mga walang asawa na nagkasala sa nabanggit na kasalanan nguni't kung ang may asawa ang nagkasala, ang parusa ay ang batuhin sila hanggang kamatayan. Upang ipatupad ang ganitong parusa, mayroong dalawang pangangailangan ang nararapat.
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©www.genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə