Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə10/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14

7) Ipinagbabawal ang pagtimbang o pagsukat ng kulang, dahil ito ay isang uri ng pagnanakaw, panlilinlang at pandaraya. Ang Allah (U) ay nagsabi;
Sumpa sa mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang (al-mutaffifun). Yaong kapag sila ang tumanggap sa pamamagitan ng pagsukat, ay humihingi ng ganap na sukat. Nguni't kung sila ay magbigay sa pamamagitan ng pagsukat o timbang, sila ay nagbibigay ng may kakulangan.” (Qur’an 83:1-3)
8) Ipinagbabawal ang pag-aantala o pagpigil sa mga pampublikong gamit, katulad ng tubig, kuryente at iba pa, na hindi pag-aari ng sinuman, at pinipigil ang mga tao sa pagkuha ng pakinabang sa mga ito. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Mayroong tatlong tao na hindi kakausapin o titingnan ng Allah sa Araw ng Paghuhukom…ang isang taong nagtitinda at nagsisinungaling na sinasabing binili ang kanyang paninda sa mataas na halaga kaysa sa halaga ng bumili sa kanya; ang isang taong nagsusumpa ng walang katotohanan pagkatapos ng (banal na oras) ‘Asr (hapon na pagdarasal) upang makamkam ang pera ng isang Muslim, at ang isang tao na tumatangging magbigay ng tubig (sa masidhing nangangailangan). Sa araw na yaon, Ang Allah ay magsasalita sa kanila; “ngayon ay Aking aantalahin ang Aking pagpapala katulad ng pag-antala mo sa pagbigay ng mga bagay na labis sa iyo para sa mga nangangailangan, samantalang hindi ikaw ang lumikha ng mga ito.” (Bukhari)
Ang Propeta () ay nagsabi;
Ang lahat ng Muslim ay may pantay na bahagi sa tatlong bagay; pampublikong gamit, tubig at apoy.” (Ahmed)
9) Ang Deen ng Islam ay nagdala ng makatuwirang alituntinun o Batas sa Pamana; na dito ay ipinagkakaloob ang Pamana para sa mga dapat na maunang tagapagmana, kahimat sila ay mga bata, matanda, lalaki o babae. Sinuman ay walang karapatang magbigay ng anumang bahagi sa kaninumang kanyang nais. Ang isa sa mabuting bunga ng paghati-hati ng pamana ay ang pagbibigay ng bahagi sa yaman o ari-arian kahit gaano man ito kalaki o kaliit at iniiwasan na maimbak ang kabuuang halaga sa ilang pangkat ng tagapagmana. Ang Propeta () ay nagsabi;
Tunay na binigyan ng Allah ang bawat tao ng kanyang karapatan. Kaya huwag pahintulutan ang sinuman na mamahagi ng kahit na ano sa iba na nabigyan na siya ng kaukulang bahagi ng pagmamana.” (Abu Dawud)
10) Ginawang batas ng Islam ang pagkakaloob pagkakakitaan, na may dalawang uri;
a) Pribadong Pagkakakitaan na angkop lamang sa pamilya at anak ng nagkaloob, upang sila ay maingatan mula sa kahirapan at pagpapalimos. Ang patakaran ng kanyang pagpapatibay ay dapat ang pagkakakitaan ay magsisilbing kawanggawa pagkaraang mawala lahat ang kamag-anak ng nagkaloob.
b) Pampublikong Pagkakakitaan na Pangkawanggawa na ginagamit upang mapanatili ang layunin ng kawanggawa; katulad ng gusali, ospital o pagamutan, paaralan, mga daan, pampublikong Aklatan, mga Moske, mga bahay ng mga ulila, at bahay pang-matanda at lahat ng bagay tumatangkilik sa kapakanan ng publiko.
11) Ang Deen ng Islam ay gumawa ng batas kung paano ipamahagi ng isang tao ang ibang parte ng kanyang kayamanan. Samakatuwid ang bawat Muslim ay may karapatan na ipamahagi ang ibang parte ng kanyang kayamanan, na siyang gagamitin pagkamatay niya sa mabuting layunin. Subali't ang Deen (Relihiyon ng Islam) ay nagbigay ng hangganan kung magkano ang pinakamalaking halaga na maaaring ipamahagi, ito ay ang ikatlong bahagi ng kabuuan ng kanyang kayamanan. Si Aamir bin Sa’d () ay nagsabi;
Ang Propeta ay dumadalaw sa akin nang ako ay nasa Makkah at maysakit. Sinabi ko sa kanya, ‘Mayroong akong kaunting kayamanan, maaari ko bang ipamahaging lahat (bilang kawanggawa)? Siya ay sumagot, ‘Hindi’. At sinabi ko, ‘Kung gayon, ang kalahati nito?’ Siya ay sumagot, ‘Hindi’. Kaya sinabi ko, ‘Ang ikatlong bahagi?’ Siya ay sumagot, ‘Ang ikatlong bahagi ay labis din.’ Kung iiwanan mo ang iyong mga tagapagmana na masagana, ito ay higit na mabuti kaysa iiwanan mo silang namamalimos. Kahit na ano man ang iyong gugulin, ito ay itatala bilang kawanggawa para sa iyo, kahit na ang isang subo ng pagkain na iyong isusubo sa iyong asawa. Maaaring itataas ng Allah ang iyong kalagayan at ang ibang tao ay makinabang sa iyo, at maaari din namang makapinsala sa ibang tao.” (Bukhari)


  1. Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng mga bagay na nasasakop sa salita ng Allah (U);

O kayong mananampalataya! Huwag lamunin ng ilan sa inyo ang ari-arian ng iba ng walang katarungan…” (Qur’an 4:29)


Ang mga sumusunod ay napapabilang dito;
1) Ang kamkamin ang anuman na walang karapatan, dahil ito ay may layuning nakakasama sa iba at nagpapalaganap ng katiwalian sa pamayanan. Ang Propeta () ay nagsabi;
Sinuman ang kumamkam ng karapatan ng isang Muslim sa pamamagitan ng maling panunumpa, gagawin ng Allah na sapilitan ang Impiyerno sa kanya at ipagbabawal sa kanya ang Paraiso. Ang isang tao ay nagtanong; ‘Kahit na ba ang bagay na iyon ay walang halaga O Propeta ng Allah?’ Sumagot siya; ‘Kahit na ito ay gaya lamang ng isang tangkay ng halamang ‘Arak’.” (Muslim)
2) Tungkol sa pagnanakaw, ang Propeta () ay nagsabi;
Ang gumagawa ng pangangalunya ay hindi mananampalataya hanggang siya ay gumagawa nito, walang magnanakaw na mananampalataya hanggang siya ay nagnanakaw, at walang umiinom na tinatawag na mananampalataya hanggang siya ay umiinom.” (Muslim)
Ang pagnanakaw ay ang pagkamkam ng mga ari-arian o kayamanan ng isang tao na walang karapatan. Ang Allah (U) nagsabi:
At (para sa) lalaking magnanakaw at babaing magnanakaw, putulin (mula sa pulso) ang kanilang (kanang) kamay bilang kabayaran sa kasalanang ginawa, isang parusa bilang babala mula sa Allah. Ang Allah ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 5:38)
Upang ang kamay ng isang tao ay putulin bilang kastigong parusa, ang mga sumusunod ay kailangang matugunan;
a) Ang ninakaw na bagay (ari-arian o kayamanan) ay dapat nasa pangangalaga at pag-iingat ng may-ari.

b) Ang layunin ng pagnanakaw ay hindi dapat sa pangangailangan ng pagkain, inumin o damit. Kung ang mga ito ang layunin, ang kamay ay hindi dapat putulin. Ito ay batay sa Paghuhusga ni ‘Umar () sa taon ng ‘Ramaadah’.



c) Ang halaga ng ninakaw ay dapat umabot sa minimong halaga na itinalaga para ipatupad ang ganitong parusa.
Ang mga ibang dalubhasa o iskolar ay nagsabi na ang pagsisisi (paghingi ng patawad) ay hindi tinatanggap hanggat hindi isinosoli ang mga bagay na ninakaw. Kung wala siyang ari-arian (nagnakaw), ang nagmamay-ari ng ari-arian (ninakawan) ay pakikiusapan na patawarin siya. Karagdagan dito, kung pinatawad ng nagmamay-ari (ng ninakaw) bago dumating ang kaso sa korte, samakatuwid, ang pagpuputol ay maantala at hindi na matutuloy.
3) Tungkol sa panlilinlang at pandaraya, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Kung sinuman ang nang-aaway sa atin ay hindi siya kabilang sa atin, at kung sinuman ang nandaya sa atin ay hindi siya kabilang sa atin.” (Muslim)
4) Tungkol sa pagsusuhol, ang Allah (U) ay nagsabi;
At huwag ninyong kamkamin ang mga pag-aari (o ari-arian) ng iba ng wlang katarungan, gayundin naman ay huwag kayong magbigay ng suhol sa sinumang namamahala (o hukom) upang inyong makamkam sa kamalian ang ilang bahagi ng pag-aari ng iba…” (Qur’an 2:188)
Ang Propeta () ay nagsabi;
Isumpa sana ng Allah ang isang nagbibigay suhol at ang isang tumatanggap sa bagay na may kaugnayan sa pagpapasiya ng hukom.” (Tirmidhi)
Isinusumpa ng Allah (U) ang isang nagbibigay ng suhol, dahil dito ang kasamaan sa pamayanan ay dumarami; kung hindi siya nagsuhol walang mangyayaring anumang pagsusuhol. At isinusumpa ng Allah (U) ang isang tumatanggap ng suhol, dahil siya ay tumanggap ng bagay na wala siyang karapatan, at siya ay nagkanulo sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya; unang-una pati siya ay sumasahod sa trabaho na ibinigay sa kanya.
5) Ipinagbabawal sa isang tao na magtinda ng isang bagay sa isang namimili pagkaraang ang isang kapatid ay nakipagkasundo na dito, maliban kung ito ay kanyang pauunlakan. Dahil ito ay nagdudulot ng pagkainggit at pagkapoot sa gitna ng mga tao sa pamayanan. Ang Propeta () ay nagsabi;
Huwag pahintulutan ang isang tao na magtinda ng isang bagay kung ang kanyang kapatid (nagtitinda) ay mayroong nang kausap dito (upang bumili), at ipinagbabawal ang ipagkasundo ang babae sa pagpapakasal kung ang isang kapatid ay nakipagkasundo na rito, maliban kung siya ay bigyan ng permiso.” (Muslim)

Ang Panlipunang Aspeto ng Islam
Ang Islam ay nagpanukala ng Islamikong batas na nagbigay ng mga karapatan at tungkulin sa mga kasapi ng lipunan upang makatiyak ng pagkakaroon ng matatag na lipunan. Ang mga ibang karapatan at tungkuling ito ay maaaring pangkalahatan o natatangi. Ang mga natatanging tungkulin ay binubuo ng mga sumusunod:
Tungkulin ng Mamamayan sa Tagapamahala (Namumuno):
1) Dapat sumunod ang mga Muslim sa Namumuno hanggat hindi sila inuutusan na gumawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng Islam. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
O kayong mananampalataya! Maging masunurin sa Allah at maging masunurin sa Sugo (Muhammad) at yaong nasa katungkulan (kapangyarihan)…” (Qur’an 4:59)
Ang mga tungkulin ay; Ang maging masunurin sa namumuno maliban kung ang ipinag-uutos ay salungat sa batas ng Islam katulad ng sinabi ng Propeta ():
2) Nararapat magbigay ng matapat na payo o suhestiyon sa paraaang kagalang-galang at mahinahon tungkol sa mga bagay na makakatulong sa kanya at kapaki-pakinabang sa mga mamamayang kinasasakupan niya. Ang Allah (U) ay nag-utos kay Moises at sa kapatid nitong si Aaron nang isugo sila kay Paraon na kung maghahatid sila ng mensahe tungkol sa relihiyon: Ang Allah (U) ay nagsabi:
At mangusap sa kanya nang malumanay, sa gayon ay maaari niyang tanggapin ang babala o magkaroon ng takot sa Allah.” (Qur’an 20:44)
Ang Propeta () ay nagsabi ;
Ang Deen ay katapatan,’ Sinabi namin sa kanya, ‘Kanino ?’ Sinabi niya, ‘Sa Allah, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang Sugo, at sa mga lider ng mga Muslim at sa kanilang kapwa. (Muslim)
3) Ang makipagtulungan at mag-alalay sa namumuno sa panahon ng kahirapan o karukhaan at huwag maghimagsik laban sa kanya o iwanan siya, kahit na ang isa mula sa grupo ay hindi nagbigay ng kasunduan sa kanya. Ang Propeta () ay nagsabi:
Kung may isang taong dumating habang kayo ay nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng isang lider at siya ay nais gumawa ng kaguluhan o sirain ang inyong pagkakaisa, ito ay inyong patayin.” (Muslim)

Ang Tungkulin ng Namumuno sa Kanyang Kinasasakupang Mamamayan:
Ang karapatan ng mga mamamayan o ang tungkulin ng namumuno sa kanyang mamamayan ay maaaring ilahad sa limang bagay:
1. Ganap na Katarungan. Ito ay makakamtan sa pamamagitan ng pagbibigay sa lahat ng mamamayan na kaukulang karapatan. Ang namumuno ay kailangang pantay sa pangangalaga ng karapatan ng kanyang mamamayan. Ang pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin at paghahati o pagbabahagi ng gawain at pagpapatupad ng mga alituntunin at pagpapasiya---ang lahat ng mga ito ay kailangang pantay sa kanyang paningin. At hindi niya binigyan ng higit na pangangalaga ang ilang pangkat ng mamamayan kaysa sa iba. Ang Propeta () ay nagsabi:
Katotohanan ang pinakamahal ng Allah at pinakamalapit na nakaupo sa Kanya sa Araw ng Pagbabayad ay yaong makatarungang pinuno. At tunay na ang pinakamasama at pinaka-kinamumuhian Niya sa Araw ng Pagbabayad at siya ang makakalasap ng pinakamasakit na parusa ay ang hindi makatarungang pinuno.” (Tirmidhi)
3. Dapat siyang sumangguni sa kanila tungkol sa lahat ng kanilang gawaing kaugnay ng politikal, panlipunan at pangkabuhayan61. Pahintulutan sila na magbigay ng magagandang kuro-kuro ng may kalayaan at tanggapin ang kanilang mga payo kung ito ay makapagbibigay ng kabutihan sa lahat. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At sa habag ng Allah, (o Muhammad) makipag-ugnayan sa kanila ng mahinahon. Kung ikaw ay naging mabalasik at matigas ang puso, sila ay maaaring lumisan sa iyo, kaya’t pagpaumanhin ang kanilang mga kakulangan at humingi ng kapatawaran sa Allah para sa kanila at sumangguni sa kanila hinggil sa kanilang gawain…” (Qur’an 3:159)
Nang panahon ng digmaan ng Badr, ang Sugo ng Allah () ay huminto sa isang malapit na bukal ng Badr, isa sa kanyang kasamahan (si Hubab Ibn Al Mundhir, ) ay nagtanong sa kanya: “Binigyan ka ba ng Allah (U) ng inspirasyon na piliin ang lugar na ito o ito ay isa lamang istratediya ng digmaan?” Ang Sugo ng Allah () ay sumagot; “Ito ay isang istratediya ng digmaan.” Si Hubab ay sumagot”, ‘Ang lugar na ito ay hindi mainam, humayo tayo roon at gumawa tayo ng kampo sa pinakamalapit na bukal ng kaaway.” Inayunan ng Sugo ng Allah () ito at kanila itong isinagawa.
4) Ang Islamikong Batas (Shari’ah’) ay dapat maging batayan ng pagpapasiya at ang saligan, upang maiwasan ang anumang pangsariling hangarin. Si Omar Ibn Khattab () pagkaraang tanggapin ang pamumuno bilang Kalifa ay nagsabi kay Abu Maryam Al-Saluli na pinatay ang kapatid (ni Omar) na si Zaid Ibn Khattab, () bago yumakap sa Islam. “Isinusumpa ko sa Allah, hindi kita gusto hanggang ang lupa ay maging katulad ng dugo.” Si Saluli ay nagtanong: ”Ipagkakait mo ba sa akin ang aking mga karapatan ng dahil dito?” Si Omar ay sumagot, ”Hindi” Si Saluli ay nagsabi; “Walang anuman sa akin, babae lamang ang nalulungkot kung sila ay hindi gusto.”
5) Hindi niya dapat itago ang kanyang sarili o isara ang kanyang pintuan at hindi niya dapat matahin ang sinumang tao at hindi siya dapat maglagay ng isang tagapamagitan niya at ng mga tao. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Sinuman ang pinili bilang pinuno o ‘khalifa’ at pagkaraan ay lumiban sa kanyang tungkulin, pinabayaan ang pangangailangan at kahirapan ng mga tao, pababayaan ng Allah ang kanyang pangangailangan at paghihirap sa Araw ng Paghuhukom.” (Tirmidhi)
6) Dapat siyang maging maawain sa kanyang mga kinasasakupang mamamayan at hindi niya dapat bigyan ng mga gawain ang sinumang hindi nito makakayanan at huwag higpitan sa kanilang pamumuhay. Ang Propeta () ay nagsabi:
O Allah, kung sinuman ang nabigyan ng katungkulan upang mamuno sa aking pamayanan at ginawang mahirap ang mga bagay sa mga tao, magkagayon gawin mo ring mahirap ang mga bagay para sa kanya, at kung sinuman ang nabigyan ng katungkulan upang mamuno sa aking pamayanan at ginawang magaan ang mga bagay para sa mga tao, magkagayon maging mabait Ka sa kanya.” (Muslim)
Si Umar Ibn-ul-Khattab () ay nagpahiwatig sa kahalagahan ng aspetong ito sa pamamagitan ng pagsabi niya: “Isinusumpa ko sa Allah, kung ang isang asno ay naglakbay at nahulog sa Iraq, ako ay nangangamba na tanungin ng Allah kung bakit hindi ko pinatag ang daan para dito.”
Ang namumunong Muslim ay kailangang katulad ng pagkakalarawan mula sa liham na ipinadala ni Imam Al Hassan Al Basri () kay Omar Ibn Abdul Aziz () na nagsasabing:
O, Pinuno ng mga Muslim, alalahanin na pinahintulutan ng Allah (U) na ang isang pinuno ay maging tagapagtanggol laban sa mandaraya, ang tagapagpigil laban sa nang-aapi, ang tagapagtuwid laban sa katiwalian, ang nagbibigay lakas para sa mga mahihina at katarungan sa mga naaapi, at tagapag-alaga para sa mga nangangailangan.”
O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng pastol na mabait sa kanyang mga kawan at naghahanap siya ng pinakamagandang lugar ng pastulan at tinataboy silang palayo mula sa mapanganib na pook at sa mga mababangis na hayop at kinakalinga sila mula sa anumang panganib.”
O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng maalalahaning ama na nagpapakahirap para sa kapakanan ng kanyang mga anak, pinag-aaral at tinuturuan habang sila ay lumalaki. Siya ay naghahanap-buhay para sa kanilang pagkain habang siya ay nabubuhay at mag-iiwan ng kayamanan (ari-arian) pagkamatay.”
O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng ina na mapagmahal sa kanyang anak. Tinataguyod niya ito sa kahirapan at iniluwal ito sa hirap. Tinatangkilik niya ito habang bata pa, gising sa gabi kung hindi makatulog ang anak at siya ay matutulog lamang kung tulog ito. Pinapakain sa ilang panahon at aawatin (sa pagsuso) sa ibang panahon. Siya ay maligaya kung malusog ang anak at siya ay nababahala kung siya ay maysakit.”
O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay tagapagbantay ng mga ulila at tagapangalaga ng mga nangangailangan, siya ay nangangalaga sa mga kabataan at tagapanustos ng mga matatanda.”
O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng puso na malapit sa tadyang, kapag ang puso ay malusog ang mga tadyang ay malulusog nguni't kung puso ay may sakit ang mga tadyang ay lumalaking hindi malusog.”
O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay tumatayo sa pagitan ng Allah (U) at ng Kanyang alipin. Naririnig niya ang salita ng Allah (U) at ito ay ipinalalaganap niya sa mga tao. Umaasa sa Allah (U) mula sa kanyang puso at ginagawa silang umasa sa Allah (U), sumusuko ng kanilang kalooban sa kanilang Panginoon at pinapatnubayan sila tungo sa Allah (U).
O, Pinuno ng mga Muslim, huwag kang tumulad sa isang aliping pinagkalooban ng Allah (U) ng tiwala ng kanyang kayamanan at pamilya nguni't nilustay ang kayamanan at ginawang nagdarahop at kaawa-awa ang kanyang mga anak.”
Alam mo, O Pinuno ng mga Muslim, ang Allah (U) ay nagtakda ng mga parusa upang maging babala laban sa makasalanan at kasamaan. Paano kung ang isang pinuno ay nakagawa ng kasalanan na nararapat ang kaparusahan? Ang kaparusahan ay pinangangalagaan ang buhay ng mga tao, paano kung ang namumuno ay nakapatay?
O, Pinuno ng mga Muslim, alalahanin ang kamatayan at kung ano ang kahihinatnan sa kabilang buhay, at ang ilan sa mga nagtatanggol (sa iyo sa harap ng kamatayan), kaya maglikom ka ng anumang panustos mo at humanda ka sa sindak na susunod dito.”
O, Pinuno ng mga Muslim, dapat mong malaman, na bukod sa iyong kasalukuyang tinutulugan, mayroon pang isang tulugan (libingan) na ikaw ay matutulog sa mahabang panahon at ang iyong mga kaibigan ay malalayo sa iyo at ikaw ay iiwanan sa malalim na kalagayang iyon. Samakatuwid, likumin ang lahat ng iyong mga panustos na siyang makakasama at magiging patnubay mo.” “Sa araw na ito, ang tao ay tatakas sa kanyang sariling kapatid, at sa kanyang ina at sa kanyang ama, at sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak.” (Qur’an 34-36)
O Pinuno ng mga Muslim, alalahanin mo ang salita ng Allah (U); “Hindi Niya batid na kapag ang mga taong nakalibing ay muling bubuhayin, at ang lihim ng dibdib (ng mga tao) ay mabubunyag.” (Qur’an 100: 9-10)
Sa araw na iyon ang mga lihim ay mabubunyag at pati na ang mga gawain mong nakatala; “…Anong uri ng Aklat ito na hindi nakaligtaan ang anuman, maging ang mga maliliit at malalaking bagay, datapwa’t nagtala ito ng maraming bilang…” (Qur’an 18:49)
O Pinuno ng mga Muslim, ngayon ay mayroon ka pang panahon bago maglaho ang pag-asa (bago sumapit ang kamatayan), at ang lahat ng pag-asa ay maglaho o mawala (upang gumawa ng mga kabutihan).”
O, Pinuno ng mga Muslim, ikaw ay maghusga sa pagitan ng iyong mga mamamayan batay sa batas ng Islam, at huwag silang patnubayan tungo sa paggawa ng kasamaan. Huwag bigyan ng katungkulan ang taong mapagmataas, sapagkat hindi sila magbibigay sa isang mananampalataya ng kasunduan upang hindi mo pasanin ang bigat ng kasalanan ng iba. Huwag kang padaya sa mga ibang nagtatamasa ng mga bagay na maghahatid sa iyong kasiphayuhan, at tinatamasa ang mga mabubuting bagay nguni't pinagkakait ang lahat ng kabutihan sa kabilang buhay. Huwag mong isipin ang kapangyarihan mo sa ngayon, nguni't alalahanin ang kinabukasan kapag ikaw ay bilanggo na ng kamatayan, nakatayo ka sa Araw ng Paghuhukom sa harap ng Allah (U); sa kinaroroonan ng mga anghel, mga Propeta at mga sugo na ang;… “At ang lahat ng mga mukha ay mangangayupapa sa harapan (ng Allah), ang Namamalaging Buhay, ang Tagapanustos at Tagapangalaga ng lahat…” (Qur’an 20:111)
O, Pinuno ng mga Muslim, hindi ko pa naaabot ang antas ng isang matalinong tagapagpayo. Nguni't ginawa kong lahat ang pinakamabuti para sa iyo. Kaya tanggapin mo ang aking mensahe bilang gamot na ipinagkakaloob ng isang mapagmahal na tao sa kanyang mahal na kaibigan… bagamat mayroong pait na lasa, sa pag-asang ito ay makapagpapagaling.”
Sumaiyo nawa ang Awa at Pagpapala ng Allah (U).

Ang Karapatan ng mga Magulang
Ang mga anak ay nararapat na sumunod sa kanilang mga magulang at ang pagtalima sa kanilang kautusan ay dapat gampanan maliban lamang kung ang kanilang kautusan ay nagpapahiwatig na pagsuway sa batas ng Allah (U). Ang mga anak ay nararapat na maging mabait at mapagmahal at matulungin sa kanyang mga magulang at ipagkaloob sa kanila ang mga pangangailangan kabilang na ang pagkain, damit at pamamahay. Ang mga anak ay dapat makipag-usap sa kanila ng may lakip na pagmamahal at paggalang at pagpapakumbaba. Sila ay dapat paglingkuran na may lakip ng pagtitiis at pagtitiyaga. Huwag silang pagsalitahin ng hindi maganda, at igalang ang kanilang mga damdamin at huwag gumawa ng anumang kanilang ikakagalit. Ang Allah (U) ay nagsabi:
"At ang iyong Rabb (Panginoon) ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya (Allah) At maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila nasa katandaan, huwag silang pagsalitaan ng kawalan galang at huwag silang sigawan subalit' ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang magalang (may pitagan).” (Qur’an 17:23)
Itinuturing ng Islam na malaking kasalanan ang hindi pagsunod sa mga magulang. Si Abdullah ibn ‘Amr () ay nag-ulat na mayroong isang Bedouin na nagtungo sa Propeta () at nagsabi;
O Sugo ng Allah (), ‘Ano ang mga pinakamabigat na kasalanan?’ Siya ay sumagot: ‘Ang pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah’; siya ay nagtanong ulit; ‘Ano ang susunod?’ ‘Ang pagsuway sa magulang’. At nagtanong ulit; ‘Pagkatapos ano ang susunod? ‘Ang paglulubog na panunumpa ay ang pagsabi ng walang katotohanan62’; At siya ay nagtanong ulit. ‘Ano ang panunumpang ito? Siya ay sumagot; ‘Ang pagsisinungaling na panunumpa upang makamkam ang pera ng ibang Muslim.” (Bukhari)
Ang paglalarawan sa katayuan ng mga magulang sa Islam, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Ang kasiyahan ng Allah ay batay sa kasiyahan ng mga magulang (sa kanyang anak) at ang Kanyang galit ay batay rin sa galit ng mga magulang (sa kanyang anak).” (Mundhiri)
Ang mga nabanggit sa ibaba ay ilan sa mga karapatan ng magulang kahit na ang mga magulang ay di Muslim. Ayon sa salaysay ni Asma, sinabi niya sa Sugo ng Allah ():
Ang aking ina ay dumalaw sa akin ng panahon na siya ay hindi pa Muslim. Ako ay nagtanong sa Sugo ng Allah at nagsabi: “O Sugo ng Allah! Ang aking ina ay dumalaw sa akin. Dapat ko ba siyang tanggapin?” Ang Sugo ng Allah ay sumagot: “Oo, tanggapin mo siya at igalang.” (Bukhari)
Ang ina ay binigyan ng higit na karapatan kaysa sa ama tungkol sa pakikitungo at kabaitan at pag-aasikaso. Ito ay mauunawaan batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():
Ang isang tao ay lumapit sa Sugo ng Allah at nagtanong: ‘O, Sugo ng Allah sinong tao ang higit kong dapat bigyan ng kabaitan at magandang pakikitungo?’ Siya ay sumagot: ”Ang iyong ina” Ang tao ay nagtanong muli: “Sino ang sumunod?” Siya ay sumagot: “Ang iyong Ina.” At muli ang tao ay nagtanong: “Sinong sumunod?” Siya ay sumagot: “Ang iyong Ina.” At sinong susunod sa kanya? Siya ay nagsabi: ”Ang iyong Ama, at pagkatapos ay ang mga sumunod sa kanya.” (Muslim)
Ang Sugo ng Allah () ay nagbigay ng tatlong ulit na kahigtan kaysa sa ama sapagkat ang ina ay nagpasan ng maraming hirap at dusa sa pagtataguyod ng kanyang mga anak kaysa sa ama. Ang Allah (U) ay naglarawan sa tungkuling pinasan ng isang ina:
At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang magulang. Ang kanyang ina ay nagpasan sa kanya sa hirap at iniluwal niya ito sa gitna ng pagdurusa...” (Qur’an 46:15)

Ang ina ay nakaranas ng paghihirap sa kanyang pagdadalang-tao, siya (anak) ay kumukuha ng pagkain mula sa ina (noong siya ay nasa sinapumpunan), naghirap sa panganganak, at sa pagpapakain nito pagkapanganak at sa di niya pagtulog sa gabi (dahil pag-aasikaso sa anak).



Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©www.genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə