Ang Pilipinas ay kabilang sa 22 bansa na apektado ng TB ayon sa WHO.
Ang Pilipinas ay kabilang sa 22 bansa na apektado ng TB ayon sa WHO.
TB ang pang-anim na sanhi ng sakit at nagdudulot ng kamatayan sa mga Pilipino.
Ang karamihan ng mga taong may TB ay kabilang sa edad na 15-54 ayon sa 2nd National Prevalence Survey in 1997.
Pitumpu’t- limang (75) Pilipino ang namamatay dahil sa TB araw-araw.
Pitumpu’t- limang (75) Pilipino ang namamatay dahil sa TB araw-araw.
Kung hindi magagamot, ang taong may tuberculosis ay maaaring makapanghawa ng 10 hanggang 15 iba pa sa loob ng isang taon na maaaring magkaroon din ng sakit na ito.
Ang tuberculosis ay dulot ng TB bacteria (Mycobacterium tuberculosis) na pangunahing nakakaapekto sa baga. Ang kondisyong ito ay tinatawag na pulmonary tuberculosis (PTB).
Ang tuberculosis ay dulot ng TB bacteria (Mycobacterium tuberculosis) na pangunahing nakakaapekto sa baga. Ang kondisyong ito ay tinatawag na pulmonary tuberculosis (PTB).
Ang mga pasyente ay binibigyan ng mga gamot na kombinasyon ng 3 hanggang 4 na anti-TB drugs.
Hindi dapat nagbibigay ng iisang gamot lamang para sa TB. Ito ay maaaring makapagdulot ng resistant na Tb.
Ang D.O.T.S ay nangangahulugang Directly-Observed Treatment Short course.
Ang D.O.T.S ay nangangahulugang Directly-Observed Treatment Short course.
Ito ay isang komprehensibong stratehiya ng World Health Organization (WHO) and International Union Against Tuberculosis and Lung Diseases (IUATLD) upang magamot ang taong may TB.